Kalusugan

Sa KAPUSO, ang inyong kalusugan ang pangunahing pinagkakaabalahan. Layunin namin na mapabuti at gawing mas accessible ang healthcare para sa lahat. Magkakaroon ng espesyal na programa para sa mga sakit sa puso, kabilang ang pagbibigay ng gamot, check-up, at serbisyong pang-ospital

PAMILYA

Ang mas magandang kalusugan ay nangangahulugan ng mas matibay at nagkakaisang pamilya. Ang programa ng Kapuso para sa pamilya ay hindi lamang nakatuon sa healthcare kundi pati na rin sa iba pang serbisyong panlipunan, tulad ng tulong pinansyal sa pag-aaral at mga programang pangkabuhayan

Maunlad na Buhay

Sa pamamagitan ng matibay na pundasyon sa kalusugan at ugnayan ng pamilya, mapapabuti natin ang ating komunidad, bayan, at bansa. Kasama sa programa ng Kapuso ang pagpapaunlad ng imprastraktura tulad ng ambulansya, Barangay Multipurpose Hall, at solar lights na makakatulong sa kapakanan ng lahat

Kalusugan, Pamilya, at Maunlad na Buhay

Ipaglalaban ng Kapuso PM Partylist!

Makabuluhang pagbabago para sa kalusugan at pamilya, na nagtutulak ng mas maunlad na buhay para sa mga Pilipino, ito ang layunin ng Kapuso PM Partylist! Samahan ninyo kaming ipanalo ang mga layuning ito sa kongreso.

Pangunahing mga Pangangailangan ng Pilipino

Sa pamamagitan ng targeted interventions sa kabuhayan, kalusugan, infrastructure, at governance, tinitiyak natin na ang mga pangunahing pangangailangan at karapatan ng mga mamamayan ay nabibigyang pansin.

Ambag sa Kabuhayan

Gagawin nating masigla ang mga programa sa skills training at dagdag edukasyon, microfinancing at pagbubuo ng mga koopertiba, at market access programs kung saan direkta nating ikokonek ang mga producer sa merkado.

Infrastructure na Matatag

Pagpapaunlad ng kalsada para sa mas maunlad na transportasyon, digital connectivity, at pagpapaunlad ng mga infrastructure sa agrikultura tulad ng irigasyon, storage facilities, processing plants, atbp. Sa mas maunlad na infrastructure, ang access ng komunidad sa mga oportunidad ay mas mapabilis.

Serbisyong Panlipunan

Paunlarin ang access sa mga serbisyong pangkalusugan. Mula sa pagpaparami ng mga community health clinics, mobile health services para sa malalayong lugar, at access sa libreng pagpapagamot.

Pagtiyak na ang kabataang Pilipino ay nakakapag-aral at may access sa mga paaralan. Susuportahan natin ang mga paaralan ng kanilang mga pangangailangan kasama na ang training sa mga guro at mga digital learning tools. Ang Kapuso PM Partylist ay may programa din para sa scholarship sa iba’t ibang antas ng edukasyon.

Titindig tayo para sa mga most-vulnerable populations sa ating bansa. Kaya ilalaban natin ang mga programa para sa kanila tulad ng cash assistance, food security initiatives, job placement services, upang maiahon sila sa kanilang kalagayan at mabawasan ang epekto ng economic shocks at mapabilis ang kanilang pagbangon tuwing may kalamidad.

Pansamantagal na Pag-unlad

Pag-unlad na hindi lang pansamantala, kundi pansamantagal. Sa pagtutulak ng mga inclusive policies at mga sustainable development programs, lilikha tayo ng pag-unlad na pangmatagalan. Inclusive, ibig sabihin kasama tayo, kasama kayo.

Gobyerno ng mga Tao

Partisipasyon at konsultasyon ng publiko sa paglikha ng mga polisiya, transparency and accountability, at pagtiyak sa representasyon ng mga sektor at komunidad tulad ng mga Indigenous Peoples, Urban Poor communities, Rural communities, at iba pa. Titiyakin natin na may boses sila, kayo, tayo, sa gobyerno.

Pangangalaga sa Kalikasan

Ilalaban natin ang mga polisiya na lilikha ng sustenableng mga pamamaraan para mapangalagaan ang kalikasan habang binabalanse ang pangangailangan ng kabuhayan ng tao.

Kilalanin si Hon. HJ. Abraham M. Ibba
Ang Kapuso PM Partylist Nominee

Si HJ Abe Ibba, ay kasalukuyang Mayor ng Munisipalidad ng Bataraza sa Probinsya ng Palawan. Nakumpleto nya ang unang tatlong termino nya mula 2004, at ang pangalawang tatlong termino nya mula 2016. Mula sa poverty incidence na 60% bago siya naging Mayor, naibaba nya ito sa 18-25 % sa panahon ng kanyang panunungkulan. Patunay na sa kanyang pamumuno posible ang mas maunlad na buhay para sa mamamayan.

Ang kanyang tunguhin para sa kalusugan, pamilya, at maunlad na buhay ay kanyang dala-dala, mula Palawan tungo sa Kongreso para sa buong Pilipino.

SOCIAL MEDIA

MEMBER SIGN UP

NCR
QR Code for Jotform form

MEMBER SIGN UP

PALAWAN
QR Code for Jotform form

MEMBER SIGN UP

REGION 2
QR Code for Jotform form

MEMBER SIGN UP

REGION 9
QR Code for Jotform form